Tuesday, October 09, 2007
Sanaysay 101
Bon's infamous post that prompted the Pangatnig mishap. Bwahahah.
[reposted because of this]
Pa-Alam-An
Posted by Bon, June 4, 2006
I apologize in advance for possible wrong grammar ... In memory of my 9 years in Manila. It was a blast! But time to move on . . .
Ilang beses nga ba sa isang araw tayo nagpapaalam? At ilang pagkakataon ang natatapos sa pamamaalam dahil may gusto tayong ipaalam na di naman natin kayang ipagbigay-alam?
Ang pagbisita sa Maynila. Isang linggo upang balikan ang mga kaibigan, dating minahal at mga kasalukuyang gumugulo sa isipan ... Parang isang taon na pinaikli sa isang linggo.
Madami akong nalaman, inalam at ipinaalam ...

- Nalaman ko na lalaki pala ang laman ng kanyang isipan at puso ... kaya pala ayaw niyang magtabi kami sa kama.
- Sa wakas ay ipinaalam ko sa kanya ang nakatagong pagtingin. Ito nga ba ay pamamaalam? Hindi ko alam ...
- Nagpaalam ako sa tukso pagkatapos kong nalaman na hindi kayang takasan ang tukso ... Kailangan itong harapin na buo ang loob. (Salamat at nawalan ako ng signal!)
- Nalaman ko na masaya ako sa Maynila ... pero maligaya ako sa Cebu.
- kong madaling mag-Tagalog pero hindi lahat kayang mag-Bisaya ... at lalo na ang maging Cebuano.
- Kahit alam ko na mahal ko rin sila ... ibang klase ang mawalay sa mga taong nagbibigay kulay at kalokohan sa iyong buhay. Iba rin ang kaligayahan sa piling nga mga taong mahal mo at alam mong mahal ka rin . . .
- Totoo pala na nag-iiba ang lasa at tama ng Red Horse ... depende kung sino ang kasama mo.
- At kahit ilang beses na ako nagmahal, nasawi at nasaktan, hindi ko pa rin alam kung paano magmahal ... pero kahit na, masaya pa rin ako
- Masaya din pala ang walang alam ... paminsan-minsan
Ang pag-ibig natin ay walang hanggang paalam
At habang magkalayo, papalapit naman ang puso
Kahit na magkahiwalay, tayo'y magkasama
Sa magkabilang dulo ng mundo
At habang magkalayo, papalapit naman ang puso
Kahit na magkahiwalay, tayo'y magkasama
Sa magkabilang dulo ng mundo
Comment Form under post in blogger/blogspot